Pag nasanay kang maging busy, at some point in time during the slack season, hahanap-hanapin pa din ng katawan mo ang matindi-tinding activity! At para sa isang nagpapaka-slack na tulad ko, parang gusto ko laging may trip, may pinagkakaabalahan, something to look forward to! Nabo-bore ako sa ganitong wala masyadong nira-rush eh! labo di ba?
Pambihirang buhay! Hindi naman ako lumaking lasenggo, pero bakit parang tatanda akong lasenggera? At teka lang, dito na’ko natutong tumoma sa Maynila, habang nakikipaglaban ako sa hamon ng propesyon ko…Pramis! parang madami ang hindi makapaniwalang hindi ako umiinom nung high school o nung college… never talaga, pramis!
Dahil ngaun nga na slack season, isa sa mga activities na nasalihan ko ay ang weekly inuman session… Hindi ko sinasadya, I just realized na for the past weeks (or months na ba?), lagi akong may naaatenan na i-session (as in inuman session) at least once a week. At the end of the day (usually Friday), I find myself sa serbesahan, with friends from the office! Eto na ang simula ng bisyo tsk tsk tsk!
Hindi ko hilig, pero gusto ko… Ayoko masanay, pero ayoko din palampasin ang pagkakataong magpaka-wasted… Kaya habang slack season, gusto kong makisama. Tara na na sa serbesahan! :D



